Home OPINION GOBYERNO, UMISKOR VS TERORISTANG DAWLAH ISLAMIYAH

GOBYERNO, UMISKOR VS TERORISTANG DAWLAH ISLAMIYAH

140
0

PATAY na si Uya Dama, ang madulas na ’emir’ o commander ng teroristang  Dawlah Islamiyah na ang pinamumunuan ng Mindanao-based group ay wanted ng iba’t ibang kasong kriminal.

Ang rebel leader na kilala sa tawag na “Lagbas” ay nasawi sa pakikipagbakbakan sa mga ahente ng Zamboanga Field Office ng Criminal Investigation and Detection Group at pwersa ng Western Mindanao Command.

Nasukol si alias Lagbas sa ikinasang operations plan (OpLan) “Pagtugis”,”’Paglalansag” at “Salikop” ng CIDG at militar sa kuta ng grupo sa Barangay Bangco, Sultan Naga Dimaporo, Lanao del Norte.

Ang putukan sa pagitan ng pwersa ng gobyerno at Dawlah Islamiyah na nagsimula 10:05 ng umaga noong Oktubre 23 ay nagresulta sa pagkamatay ni Lagbas at apat pang terorista.

Maliban kay Lagbas ay nalagas sa sagupaan  ang Dawlah terrorist members na sina Musa Dama, alias “Tonte”; Elum Datumaas, Husni Datumaas at isang hindi pa nakikilalang  rebel terrorist, ayon kay Lt. Col. Jynleo Bautista, CIDG-Zamboanga del Sur Field Office chief.

Isang nakilalang Bocare Datumaas, na sugatan, ay dinala sa ospital samantalang ang isa pang miyembro na kinilalang si  Rauf Datumaas ay inaresto at nakakulong ngayon sa CIDG facility sa Zamboanga.

Apat na M16 armalite rifles, dalawang Garand automatic rifles, dalawang 45  pistol, dalawang fragmentation grenade at isang hand-held radio ang nakumpiska sa naturang terrorist group.

Ayon kay CIDG director PBGen. Nicolas D. Torre III, sina ‘Lagbas’ at “Tonte” ay  ’emirs’  o mga pangunahing miyembro ng  Dawlah Islamiyah na sangkot sa mga marahas na kriminal na aktibidad sa rehiyon.

Kasama sila,  ayon kay Torre, sa mga nagsasagawa ng karumal-dumal na krimen, kabilang ang pagdukot kay Laarni Buen noong 2018, isang sekretarya mula sa Malangas, Zamboanga Sibugay, at may kaugnayan sa mga aktibidad ng Dawlah Islamiyah-Hassan group sa Mindanao.”

Si Torre, dating hepe ng Quezon City Police District at Police Regional 11  commander, ay pinuri ang katapangan ng mga operatiba at military forces na nagsagawa ng operasyon at nagbunsod sa neutralization ng naturang mga  terorista.

Ang operasyong ito ay patunay na nagsusumikap ang CIDG – Philippine National Police at Armed Forces of the Philippines para mawasak ang mga organisadong grupong kriminal, ayon pa sa Philippine National Police Academy – Tagapaglunsad Class ’93 member.

Aniya, layunin ng CIDG na protektahan ang kapayapaan, kaayusan ng Mindanao at siguraduhing makakamit ang hustisya para sa mga biktima ng terrorist group na ito.

Dahil sa bagong Pilipinas, ang gusto ni PNP chief Gen. Rommel Marbil at mga pulis Ligtas ka!” pagdidiin ng head ng premiere investigating and operating body ng pambansang kapulisan.

At Dahil din sa matagumpay na operasyon na ito ay umiskor ang gobyernong Marcos sa laban kontra terorismo sa bansa kaya good job CIDG – PNP at Sandatahang Lakas ng Pilipinas.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here