Home HOME BANNER STORY Kalidad ng buhay ng mayorya ng mga Pinoy walang pagbabago – sarbey

Kalidad ng buhay ng mayorya ng mga Pinoy walang pagbabago – sarbey

245
0

MANILA, Philippines- Lumabas sa isang Social Weather Stations (SWS) survey na isinagawa mula Sept. 14 hanggang 23 na 38 porsyento ng mga Pilipino ang nag-ulat na pareho pa rin ang kalidad ng kanilang buhay sa kasalukuyan at sa nakalipas na 12 buwan, habang naramdaman ng 37 porsyento na bumuti ito at 24 porsyento ang nagsabing lumala ito.

Ipinalabas ang resulta ng nationwide survey nitong Sabado, Oct. 26.

Katumbas ito ng net gainers score na +13 (porsyento ng “gainers” minus porsyento ng “losers”), na tinukoy ng SWS na “very high.” Mas mababa ito ng dalawang puntos mula sa +15 noong Hunyo.

“The net gainer score was generally negative until 2015 when it rose to positive numbers until the sharp decline beginning with the Covid-19 pandemic lockdowns. It has since trended back upwards but has not fully recovered to pre-pandemic levels,” anang SWS.

Isinagawa ang Third Quarter 2024 SWS survey sa pamamagitan ng face-to-face interviews sa 1,500 adults na edad 18 pataas, sa buong bansa. RNT/SA

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here