Home ENTERTAINMENT Goma, naglabas ng opinyon kay Anjo!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Goma, naglabas ng opinyon kay Anjo!November 21, 2025 13:122690 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – The friendship between Richard Gomez and Anjo Yllana goes a long way.Dahil dito’y masasabing kilalang-kilala na nila ang isa’t isa.Kaya ganoon na lang ang pagkagulat ng Leyte 4th district Representative sa sitwasyong kinapapalooban ngayon ni Anjo.Ang isyu ngayon ay sa pagitan ni Anjo at ng Eat Bulaga most especially Senate President Tito Sotto.Ayon kay Anjo, may hawak siyang “alas” laban sa Senador–ito’y ang pagkakaroon umano ng kabit noon pang 2013.Bilang close nga kay Anjo ay hiningan ng programang Cristy Ferninute ng reaksyon si Goma.Paglilinaw ng aktor-pulitiko, hindi raw siya aware sa isyu pero biro man o seryoso ang paratang ni Anjo ay: “Mabigat ‘yon!”Baka raw may nakain si Anjo na ikinaapekto ng utak nito.Gayunpaman, hindi ikinakaila ni Goma na mabait na tao si Anjo.Hiling niya na sana’y nakapag-usap ang dalawang panig nang maayos ang anumang sigalot.Samantala, “tinabla” ni Cristy Fermin ang hiling ni Anjo na i-guest siya sa kanyang radio program.Ani Anjo, ito’y upang magbigay siya ng “box reveal” na maglalantad kung sino ang tinutukoy niyang allged mistress ni Tito Sen.“‘Di ba, matapang ka, Cristy Fermin? Hinahamon kita na i-guest mo ako at doon ko sasabihin!” ani Anjo.Flatly, tumanggi si Cristy dahil sayang lang daw ang oras pag pinaupo niyang panauhin si Anjo. Ronnie Carrasco III