Home ENTERTAINMENT Sunud-sunod na bagyo, sinisisi kay aljur!

Sunud-sunod na bagyo, sinisisi kay aljur!

269
0

Manila, Philippines – Pati ba naman ang nature’s wrath, eh, isinisisi kay Aljur Abrenica?!

Unfair kundi man nakakatawa ang akusasyon ngayon kay Aljur just because humahataw ang video niya sa social media na bumabanat ng kanta.

Just because kumakanta nga siya’y napaparatangan siya bilang dahilan kung bakit sunud-sunod ang mga mapaminsalang bagyong nagdaan.

Hindi lingid sa kaalaman ng ating mga kababayan ang pinsala’t perwisyong dulot ng Bagyong Tinio at Bagyong Uwan.

Buti na lang, nailigtas tayo sa karagdagang kapahamakan ng ating mga bundok.

Ibig sabihin, kalikasan ang may gawa ng mga naturang natural disaster.

Kelan pa naging natural calamity ang boses ni Aljur?

Huwag sanang ikapalakpak ng tenga ni Aljur, pero kung sa iba rin lang ay ‘di hamak na mas maganda ang boses niya.

Hindi masakit sa tenga at bagay sa kantang pinipili niya.

Pamemersonal na kasi ang banat kay Aljur just because may dalawang anak na nga kay Kylie

Padilla ay nag-anak pa ng tatlo kay AJ Raval.

Eh, paano na pala ang ibang aktor na higit pa doon ang bilang ng anak sa iba’t iba ring babae?

Haist! Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here