Home NATIONWIDE Good health, hiling ni PBBM para sa ina sa ika-94 kaarawan

Good health, hiling ni PBBM para sa ina sa ika-94 kaarawan

MANILA, Philippines- Hiniling ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. nitong Linggo para sa ika-94 kaarawan ng kanyang ina na si dating First Lady Imelda Marcos, ang marami pang taon ng malusog na pangangatawan at biyay.

“Today we celebrate 94 incredible years! Happy birthday, mom! Wishing you more years filled with joy, good health, and abundant blessings,” anang Pangulo sa isang Facebook post.

Noong Mayo, sumailalim si Imelda sa angioplasty. Sinabi ng anak niya na si Senator Imee Marcos “getting stronger and better” ang kanyang ina ilang linggo matapos ang “successful” procedure.

Binati rin ni First Lady Louise “Liza” Araneta-Marcos ang kanyang biyenan: “Happy 94th birthday, Mama Meldy!!” RNT/SA