Home NATIONWIDE Gordon posibleng tumestigo sa paglilitis ng Sandiganbayan sa Pharmally

Gordon posibleng tumestigo sa paglilitis ng Sandiganbayan sa Pharmally

11
0

MANILA, Philippines – Posibleng tumestigo si dating Senador Richard Gordon sa paglilitis ng Sandiganbayan First Division sa Pharmally scandal sa Agosto.

Ayon sa prosecutors, ipipresenta si Gordon sa susunod na pagdinig ng korte sa Agosto 3.

Nililitis ng First Division ang graft case laban kay dating Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III at dating Department of Budget and Management (DBM) Undersecretary Christopher Lloyd Lao kaugnay sa umano’y mga anomalya sa paglilipat ng P41.46 bilyong COVID-19 response funds.

Noong 2021, pinangunahan ng Senate Blue Ribbon Committee ni Gordon, ang imbestigasyon sa umano’y kahina-hinalang paglilipat ng pondo mula sa DOH patungo sa Procurement Service (PS) ng DBM.

Binusisi ang Pharmally Pharmaceutical Corp. matapos makakuha ng bilyon-bilyong pisong halaga ng kontrata sa gobyerno para sa medical supplies noong pandemya.

Ayon sa Office of the Ombudsman, sina Duque at Lao “acted with evident bad faith or gross inexcusable negligence” sa kanilang kapasidad bilang pinuno ng DOH at PS-DBM nang mangyari ang paglilipat ng pondo sa kanilang mga ahensya mula Marso hanggang Disyembre 2020. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here