MANILA, Philippines – MAHAHARAP sa disciplinary measures o mga hakbang sa pagdidisiplina, alinsunod sa mga alituntunin ng Civil Service Commission (CSC), ang mga opisyal at empleyado ng pamahalaan na magdi-discriminate sa mga taong nagtataglay ng human immunodeficiency virus (HIV).
Sa isang kalatas, sinabi ng CSC na ang Resolution 25000399 ay “provides for the processes and procedures to investigate and prosecute such discriminatory acts and practices.”
“Offenses may be carried out solely or partially against a person who may be perceived, suspected, or actually has HIV,” ayon sa CSC. Ang mga patakaran na klasipikadong ‘discriminatory acts’ ay ayon sa lokasyon, pangalan ng lugar ng trabaho, learning institution, at hospitals at health institutions.
Sinabi ng CSC na maaaring isama bilang ‘discriminatory practices’ ang “restriction on travel and habitation, restrictions on shelter, prohibition from seeking or holding public office, exclusion from credit and insurance services, denial of burial services, at acts of bullying.”
“The new rules shall apply to all officials and employees in all branches and agencies of the government, including national government agencies, local government units, state colleges and universities, and government-owned and controlled corporations with original charters,” ang nakasaad sa kalatas.
Ang mga kaso ng diskriminasyon ay hahawakan alinsunod sa 2017 Rules on Administrative Cases in the Civil Service, Republic Act 11166, at Implementing Rules and Regulations.
Sa ulat, hiniling ng Department of Health (DOH) na magdeklara ng national public health emergency dahil sa paglobo ng human immunodeficiency virus (HIV) cases. Ang mga pangunahing tinamaan ng virus ay mga nasa edad 15 hanggang 25.
Sa isang video message na naka-post sa Facebook, sinabi ni Health Secretary Teodoro Herbosa na 500% ang itinaas ng HIV cases sa bansa.
Mas malaking problema umano ng bansa ang HIV kaysa sa Mpox.
Kung hindi magbabago ang datos ng pagtaas, nangangamba ang Kalihim na aabot sa 400,000 Pinoy ang magkakaroon ng HIV sa Pilipinas.
Sa kasalukuyan, mayroon umanong 148,831 HIV cases sa bansa.
Ayon sa DOH, sa unang tatlong buwan ng 2025, mayroong 5,101 HIV cases ang nakumpirma sa bansa. Mas mataas ito kaysa 3,409 na kumpirmadong kaso na naitalaga sa kaparehong panahon noong 2024.
Paliwanag ng DOH, lumalabas na may 57 na bagong HIV cases ang naitatala araw-araw mula noong Enero hanggang Marso.
“Kaya maganda na magkaroon tayo ng national public health emergency for HIV dahil magtutulong-tulong ang buong lipunan, whole of society and whole of government can help us in this campaign na mapababa ang new cases of HIV,” ani Herbosa. Kris Jose