Home NATIONWIDE Gov’t spending, priority projects sa 2027 nirebisa ng mga Gabinete ni PBBM

Gov’t spending, priority projects sa 2027 nirebisa ng mga Gabinete ni PBBM

1
0

MANILA, Philippines – NIREBISA ng mga cabinet officials ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang implementasyon ng 2026 national budget at tinalakay ang priority spending programs para sa 2027.

Bahagi ito ng pagsisikap na gawing mas mahusay pa ang paghahatid ng serbisyo ng gobyerno at tiyakin ang episyenteng paggamit ng public funds.

Sa katunayan, pinangunahan ni Executive Secretary Ralph Recto ang whole-of-government budget review meeting, araw ng Lunes, nakahanay sa direktiba ni Pangulong Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na siguruhin ang regular monitoring ng budget utilization.

Ang miting ay isinagawa para tugunan ang implementasyon ng ‘bottlenecks’ at i- maximize ang epekto ng gastusin ng gobyerno.

“We need to closely track the execution of the 2026 budget and finalize the 2027 national budget,” ayon kay Recto.

Sa nasabing pulong, in-assess ni Recto ang kalagayan ng budget implementation ng ahensiya at hinikayat na pabilisin ang paghahatid ng government services.

Binigyang diin ni Recto ang pangangailangan na tiyakin ang agarang implementasyon ng mga priority programs at mga proyekto sa second half ng 2026.

Sa kabilang dako, nirebisa rin ni Recto ang progreso ng interbensyon ng Unified Package for Livelihoods, Industry, Food, and Transport (UPLIFT) ng gobyerno, binigyang diin ang kahalagahan na iprayoridad ang inisyatiba na magbibigay ng agarang tulong sa vulnerable sectors.

Kabilang sa mga dumalo sa miting ay sina Budget Secretary Kim De Leon, Energy Secretary Sharon Garin, Health Secretary Teodoro Herbosa, Transportation Secretary Giovanni Lopez, Education Secretary Sonny Angara, at Economy, Planning, and Development Secretary Arsenio Baliscan.

Nagpartisipa rin ang mga Senior officials ng Department of Social Welfare and Development at Department of Agriculture sa talakayan. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here