Home HOME BANNER STORY Gov’t work, klase sinuspinde ng Malakanyang sa NCR, 16 lalawigan

Gov’t work, klase sinuspinde ng Malakanyang sa NCR, 16 lalawigan

1
0

MANILA, Philippines – SINUSPINDE ng Malakanyang ang trabaho sa mga tanggapan sa gobyerno at sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadpng eskuwelahan sa National Capital Region at 16 lalawigan, simula ala-1 ng tanghali, ngayong araw ng Biyernes, Agosto 28, 2026, dulot ng inaasahang mas pinalakas ng Southwest Monsoon ng Low-Pressure Area na pumasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).

Sa ilalim ng Memorandum Circular No. 132, inilabas ni Executive Secretary Ralph G. Recto, sa pahintulot ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., sa rekumendasyon ng National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC), saklaw ng suspensyon ang mga sumusunod na lugar:

NCR

Abra

Benguet

Ilocos Sur

La Union

Pangasinan

Bataan

Bulacan

Nueva Ecija

Pampanga

Tarlac

Zambales

Batangas

Cavite

Rizal

Oriental Mindoro

Occidental Mindoro

Ang mga ahensiya ng gobyerno na nagbibigay ng pangunahing at serbisyong pangkalusugan, disaster preparedness at pagtugon, at iba pang mahalagang serbisyo ay magpapatuloy ang operayson.

Maaari namang suspendihin ng local chief executives ang klase at/o trabaho sa mga tanggapan ng gobyerno sa kani-kanilang lugar.

Sa pribadong sektor, ang suspensyon ng trabaho o adopsyon ng alternative work arrangements ay ipinauubaya na sa nangangasiwa nito. KRIS JOSE

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here