Home ENTERTAINMENT Gown ni Carla sa GMA Gala, ginawang kumot!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gown ni Carla sa GMA Gala, ginawang kumot!August 7, 2025 18:102430 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- Balewala lang kay Carla Abellana kung hinigan at ginawa pang kumot ang kanyang yellow gown na isinuot sa GMA Gala kamakailan.Tiyak naman kasing nagandahan si Katie, anak nina Katrina Halili at Kris Lawrence, sa kasuotan na ‘yon.Sa katunayan, hinayaan lang ni Carla na mahiga si Katie sa kanyang gown for a couple of seconds.Ginawa ring parang kumot ng bagets ang gown.But when told by her mom to get up ay sumunod naman si Katie.Nakipag-apiran pa nga siya kay Carla.Kung pagmamasdan, parang si Katie pa ang hiyang-hiya sa kanyang ginawa.Todo-puri naman si Katrina sa ganda ng Mak Tumang-designed gown ni Carla.Sa paglalarawan nga ni Katrina, Carla looked like a real princess na para raw may bitbit na ring light that illuminated her.Pagkakinis-kinis nga ng gabing ‘yon ni Carla who was described as the “belle of the ball.”Hiyang nga ba si Carla lalo’t may nagpapatibok na ng kanyang puso? Ronnie Carrasco III