Home ENTERTAINMENT Gown ni Heart sa GMA gala, 5 buwan ginawa!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Gown ni Heart sa GMA gala, 5 buwan ginawa!July 21, 2025 12:342720 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines- All systems go na para sa annual GMA Gala sa August 2 sa MarriottHotel sa Pasay City.This is also in celebration of the 75th year of GMA.Excited na nga ang publiko sa pagrampa sa red carpet ng mga Kapuso stars–either solo or as couples.Siyempre, highly anticipated ang event na ito if only for the jaw-dropping outfits na isusuot ng kanilang mga paboritong celebrities.At alam n’yo ba na ang global fashion icon na si Heart Evangelista is expected to stun the world?Paano ba naman kasi, balitang ang isusuot na gown ng misis ni Senate President Chiz Escudero ay limang buwan ginawa!Given the length of time to get the gown finished, ano kaya ang hitsura niyon?Kabugin kaya nito ang mga gowns na irarampa nina Marian Rivera, Jennylyn Mercado, Barbie Forteza, Sanya Lopez, Max Collins at iba pang Kapuso stars?Samantala, habang sinusulat ito’y hindi pa decided si Sandro Muhlach kung sisipot sa nasabing event bagama’t he was sent an invite.Matatandaang July last year nang halayin siya umano ng dalawang independent contractors ng GMA.Ongoing pa rin ang kaso hanggang ngayon. Ronnie Carrasco III