MANILA, Philippines – BUNSOD ng patuloy na pag-ulan dala ng Southwest Monsoon, sinuspinde ng Malakanyang ang trabaho sa gobyerno at klase sa lahat ng antas sa Metro Manila, Cavite, Rizal, Batangas, Laguna, Bulacan, Pampanga, Zambales at Bataan, ngayong araw ng Lunes, Hulyo 21, pagsapit ng ala-1 ng hapon.
Ito ang nakasaad sa Memorandum Circular No. 88 na nilagdaan ni Executive Secretary Lucas Bersamin, sa awtoridad ng Pangulo.







