MANILA, Philippines – Patay ang isang 18-anyos na lalaking estudyante sa Jaen, Nueva Ecija dahil sa hinihinalang insidente ng hazing.
Kinilala ng pulisya ang biktima na si Ren Joseph Bayan.
Bandang 10:20 ng gabi nitong Linggo, Setyembre 29, iniulat ng tiyahin ng biktima sa Jaen Municipal Police Station na ang kanyang pamangkin ay namatay dahil sa hazing.
Aniya, sinabi ni Ren Hoseph na siya ay sasailalim sa “final hazing” sa San Leonardo na isasagawa ng isang fraternity.
Ayon pa sa kanya, at sa ilang mga saksi, dinala ng mga suspek ang wala nang buhay na katawan ni Ren Joseph sa kanilang Bahay sa Barangay San Pablo, Jaen bandang alas-5 ng hapon.
Humingi ng tulong ang Jaen police sa SOCO para isagawa ang autopsy at malaman ang sanhi ng pagkamatay ni Ren Joseph.
Sa Facebook post, nagpahayag ng pakikiramay ang San Pablo National High School sa pamilya ng kanilang nasawing estudyante. RNT/JGC