MANILA, Philippines – Himas-rehas ngayon ang isang 19-anyos na Grade 11 student dahil sa panggagahasa umano sa isang 15-anyos na babae sa Quezon City.
Isinilbi ng Anonas Police Station ang arrest warrant sa kasong two counts of statutory rape habang kumakain pa sa isang fast food restaurant sa Caloocan ang suspek.
Depensa naman ng suspek na may relasyon umano sila ng biktima.
“Hindi ko po siya pinilit. Girlfriend ko po siya. Ayaw po kasi sa akin ng mga magulang niya po. Pero po, gusto po ako ng girlfriend ko,” sabi ng suspek.
Base sa imbestigasyon ng QCPD, naganap ang krimen noong Pebrero. RNT