MANILA, Philippines – Iimbitahan ng Senate public order at dangerous drugs si Kabataan Rep. Raoul Manuel sa imbestigasyon nito sa umano’y patuloy na radicalization at recruitment ng mga estudyante sa mga institusyong pang-edukasyon sa New People’s Army (NPA) na armed wing ng Communist Party of the Philippines ( CPP).
Iniutos ito ni Senador Ronald “Bato” dela Rosa, chairman ng panel, matapos iugnay ng tatlong dating rebelde si Manuel sa NPA at ang recruitment efforts nito sa University of the Philippines (UP).
“Invitation lang naman, ‘no. While we respect interparliamentary courtesy, we also would like to afford him to floor kung gusto niya magsalita dito harap-harapan don sa mga dati niyang kasamahan, baka gusto niyang idefend ang sarili niya…We are hindi siya pinipilit,” sabi ni Dela Rosa.
Nilinaw niya na hindi mapipilitang dumalo sa inquiry ang kanilang mga kapwa mambabatas at inalala ang panahon na naimbitahan siya sa imbestigasyon ng Kamara de Representantes sa war on drugs ng administrasyong Duterte.
“Ako naman inimbitahan rin nila don sa lower house, hindi rin naman ako pumunta. Ayaw ko rin pumunta don dahil alam ko naman ang purpose nila don. At tsaka I don’t want to [become a] precedent,” aniya pa.
“Just offer him. Baka gusto niya pumunta. Imbitahan lang ninyo pero I don’t think pupunta ‘yan dito,” dagdag pa niya.
Ang mungkahi na imbitahan si Manuel ay pinalutang ng dating NPA recruiter na si Kate Raca na inulit ang kanyang naunang testimonya tungkol sa papel ni Manuel sa pag-imbita sa mga estudyante ng UP na sumali sa NPA.
“2017 is magkasama kaming nagrerecruit sa UP. Siya as student regent tapos ako as Alay Sining UP Diliman…’Yun ‘yung tasking nya as member ng communist party,” kwento niya.
Ang pahayag ni Ramos ay pinatunayan ni Ida Marie Montero, ang dating kalihim ng sub-region ng Southern Mindanao Region.
“‘Yung sinabi po ni Arian Jane Ramos, totoo po ‘yon. Siya po ‘yung nag-facilitate ng byahe nila tapos siya po ‘yung nagsundo sa motor tapos hinatid po sa kinampohan namin. Nag-spend lang naman po ng parang one. linggo si Raoul,” aniya.
“Pumunta po sila sa amin para po mag-revolutionary integration t’yaka papel na po namin noon na kailangan namin silang kumbinsihin para mag-full time NPA tapos hindi po siya nakumbinsi ng mga kasama namin.”
Ayon kay Montero, hindi kumbinsido si Manuel na maging full time member ng NPA dahil hindi pa siya handa.
“Hindi ko makalimutan na umiyak po siya kasi sabi niya po sa akin naiintindihan po niya ang sitwasyon at alam daw niya yung pangangailangan pero sa sarili niya hindi pa raw po talaga siya ready mag-NPA. Kaya tutulong na lang daw po siya sa ibang lugar. mga gawain,” paglalahad pa niya.
Pagkatapos nito, tumulong na raw si Manuel sa recruitment sa UP.
Nang tanungin kung dapat managot si Manuel sa pagre-recruit ng mga estudyante sa NPA, sinagot ni Raca. RNT