Home NATIONWIDE Grade 7 hinigop ng ilog, dedbol!NATIONWIDETOP STORIES Grade 7 hinigop ng ilog, dedbol!December 8, 2024 14:57 FacebookTwitterPinterestWhatsApp PANGASINAN-Patay ang isang lalaking Grade 7 student matapos malunod sa ilog sa Brgy. Bacnit, Mabini ng lalawigang ito kahapon ng umaga, Disyembre 8.Ayon sa mga otoridad, ang 12-anyos na biktima ay residente ng Mabini, Pangasinan.Ang biktima kasama ang kanyang tatlong kaibigan at 36-anyos na uncle nito ay nagpunta sa ilog sa naturang lugar.Habang nagsu-swimming ang tatlong kaibigan ng biktima, inaya nila ang biktima na samahan sila kaya lumusong na rin siya sa ilog.Hindi napansin ng biktima na unti-unti siyang napunta sa malalim na bahagi ng ilog hanggang sa lumubog siya at mawala.Apat na beses na sumisid sa malalim na bahagi ng ilog ang kanyang uncle para hanapin ang nawawala nitong pamangkin pero hindi niya nakita ang biktima.Dahil dito, agad silang humingi ng tulong sa mga personnel ng MDRRMC.Makalipas ang halos isang oras na paghahanap sa biktima ay natagpuan nila ito na walang malay na nakalubog sa ilog.Agad na binigyang ng first aid ng mga MDRRMC personnel ang biktima at pagkatapos ay mabilis nilang isinugod sa Dasol Community Hospital.Gayunman, ang biktima ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor. ROLANDO S. GAMOSO