MANILA, Philippines- Patay ang 16-anyos na graduating student matapos barilin sa ulo sa labas ng isang mini gym sa Tipo-Tipo, Basilan nitong Miyerkules ng hapon dahil sa umano’y awayan ng pamilya.
Batay sa ulat nitong Biyernes, nahagip sa CCTV footage ang mga suspek sakay ng motorsiklo patungo sa labas ng gym.
Nilapitan ng isa sa riders ang biktima a binaril ito sa ulo bago tumakas.
Agad na binawian ng buhay ang estudyanteng dapat sana’y magtatapos na sa Junior High School.
“According sa relatives, may connection ito sa rido in between sa pamilya ng biktima at tsaka [ng] bumaril. Nag-coordinate na rin kami sa ibang munisipyo, sa HPG for the possible identification ng motor,” pahayag ni Tipo-Tipo Police Chief Police Captain Dennis Alam.
Sinisilip na ng mga pulis ang iba pang posibleng lead.
“May nabaril sa Al-Barka (Basilan) tapos gumanti itong mga kamag-anak ng napatay ng ama ng bata na ‘yan,” dagdag ni Alam. RNT/SA