Home NATIONWIDE Green transition, digital economy, AI adoption palalakasin ng ASEAN

Green transition, digital economy, AI adoption palalakasin ng ASEAN

76
0

MANILA, Philippines — Pinalalakas ng Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) ang mga hakbang nito para sa green transition, digital transformation, at mas malawak na paggamit ng artificial intelligence (AI) bilang bahagi ng pangmatagalang development agenda ng rehiyon.

Muling pinagtibay ng ASEAN ang commitment nito na palakasin ang competitiveness, inclusiveness at resilience ng micro, small and medium enterprises (MSMEs) sa pamamagitan ng Strategic Action Plan for MSME Development 2026-2030 (SAP MSMED 2030).

Kabilang sa mga hakbang sa plano ang pagpapabilis ng digital at technology transformation, pagpapalawak ng integrasyon ng MSMEs sa regional at global value chains, at pagsusulong ng greener transition, ayon sa inilabas na pahayag ng ASEAN chair nitong Sabado.

“We welcomed concrete steps to safeguard the continuity and impact of ASEAN’s regional MSME platforms, including the ASEAN SME Academy, ASEAN Access, and emerging regional initiatives,” ayon sa statement.

Inaasahan din ng ASEAN ang pagtatapos ng ASEAN MSME Digital Trade Outreach Toolkit na magsisilbing gabay upang matulungan ang MSMEs sa digital trade opportunities, pagpapalakas ng digital capabilities, at pagpasok sa international markets.

Kinilala rin ng regional bloc ang mahalagang ambag ng Economic Research Institute for ASEAN and East Asia (ERIA) sa community-building efforts sa rehiyon sa pamamagitan ng research, capacity-building activities at evidence-based policy recommendations.

Nagbigay rin umano ang ERIA ng technical support sa ilang ASEAN initiatives kabilang ang paghahanda para sa Philippine Chairship 2026.

Hinimok ng ASEAN ang ERIA na higit pang palakasin ang partnership nito sa mga usaping may kinalaman sa supply chain resilience, digital transformation, green transition at inclusive growth.

Samantala, tinanggap din ng mga lider ang pagpapatibay sa ASEAN Framework and Action Plan for a Just and Inclusive Transition to Green Jobs (2025–2030) na naglalayong magsulong ng green employment, reskilling at upskilling ng mga manggagawa, at mas matibay na social dialogue upang maging patas at inklusibo ang paglipat sa green economy.

Inaasahan din ng ASEAN ang pagpapatibay sa ASEAN Declaration on Strengthening Labor Market and Social Resilience na magsisilbing strategic framework para sa mas matatag at inclusive na labor market sa gitna ng economic at technological changes.

Binanggit din ng ASEAN ang pag-adopt sa ASEAN Guidelines on Cross-Country Exchange of Expertise na magbibigay-daan sa temporary assignments ng civil servants sa iba’t ibang bansa upang mapalawak ang technical skills at mutual learning.

Ayon sa ASEAN chair, makatutulong ito sa pagpapalalim ng pag-unawa sa diversity ng ASEAN at pagpapalakas ng regional cooperation lalo na sa digital transformation at green economy.

Samantala, inaasahan din ng regional bloc ang pagtatapos ng negosasyon para sa ASEAN Digital Economy Framework Agreement (DEFA) na target lagdaan sa 49th ASEAN Summit.

Layunin ng DEFA na pabilisin ang regional digital integration sa pamamagitan ng kooperasyon sa digital trade, e-commerce, electronic payments, digital identity systems, cybersecurity, cross-border data flows, competition policy, at emerging technologies gaya ng AI.

Ayon sa ASEAN, makatutulong din ang DEFA sa digital talent development at pagpapalakas ng kahandaan ng rehiyon sa AI-driven at interconnected global economy. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here