
Maynila, June 3, 2025 – Binatikos ng NGO Forum on ADB ang mga kaalyadong civil society group ang Asian Development Bank (ADB) habang ipinagdiriwang nito ang ika-20 anibersaryo ng Asia Clean Energy Forum (ACEF).
Ayon sa mga grupo, sa halip na magtaguyod ng tunay na malinis at makataong enerhiya, dalawang dekada na itong nagtatago sa likod ng “greenwashing” at mga false climate solutions.
Ayon kay Rayyan Hassan, Executive Director ng NGO Forum on ADB, hindi tunay na tinatalikuran ng bangko ang mapanirang mga proyekto sa enerhiya. “In an unstable world, a multilateral development bank like the ADB has a responsibility to offer solutions rooted in partnership and sustainability — especially in the energy sector,” aniya.
Pero imbes na paunlarin ang makatarungan at tunay na renewable energy sa Asya, patuloy pa rin umano ang ADB sa pagsuporta sa fossil gas, malalaking hydroelectric projects, incinerators, at ilang geothermal plants na may negatibong epekto sa mga komunidad at kalikasan.
Binigyang-diin ni Hassan ang panganib ng pagsuporta ng ADB sa pagmimina ng critical minerals at paggamit ng nuclear power. “Both have proven unpredictable and come with grave consequences. The bank should not gamble with people’s lives and the environment in pursuit of profit,” aniya. “We hope reason prevails in this ACEF.”






