MANILA, Philippines – Inanunsyo ng National Bureau of Investigation (NBI) ang pagkakaaresto ng isa pang suspek sa pagdukot at pagpatay sa isang mag-ina sa Quezon City noong nakaraang taon.
Ayon kay Atty. Ariel Calub na may hawak ng kaso, ang suspek ay isang jail officer.
Sinabi ni Calub na ang naarestong indibidwal ay isa sa mga humawak sa dalawang biktima habang nagmaaneho sila madaling araw noong Hunyo 10 sa Quezon City.
Pinatay ang anak na lalaki habang dinukot ng grupo ang ina nito.
Matapos manghingi ng P5 milyon ransom para sa paglaya ng ginang, agad na humingi ang pamilya ng mga biktima sa NBI.
Nauna nang sinabi ng NBI na ang driver ng pamilya ang nakipagsabwatan sa mga suspek at nagbigay ng impormasyon sa kanila na naging dahilan upang maputol ang pakikipag-ugnayan sa mga awtoridad.
Ang labi ng ina ay natagpuan kalaunan sa bayan ng Binan, Laguna.
Samantala, naaresto kamakailan ng NBI ang jail officer at isang dating person deprived of liberty noong Hulyo 2024.
Sinabi ni NBI Director Jaime Santiago na ang warrant of arrest laban sa suspek ay ibinaba ng QC regioal trial court. Naisampa na rin ang kaso laban dito. Jocelyn Tabangcura-Domenden