Home NATIONWIDE 4 indibidwal sa pagdukot sa 3 foreign nationals, kinasuhan na ng NBI

4 indibidwal sa pagdukot sa 3 foreign nationals, kinasuhan na ng NBI

211
0
Iniharap sa media ni National Bureau of Investigation (NBI) Director Jaime Santiago, kasama ang PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), ang dalawang suspek na sangkot sa magkahiwalay na kaso ng kidnapping sa Batangas at Laguna.Ayon kay NBI Director Santiago, ang unang suspek, na nakasuot ng dilaw na t-shirt, ay sangkot sa Nasugbu kidnapping incident kung saan biktima ang dalawang Chinese nationals at isang Korean national.Samantala, ang ikalawang suspek naman ay naaresto kaugnay ng kasong kidnapping sa Laguna.Habang sinampahan na ng kaukulang kaso ang dalawang naaresto. CESAR MORALES

MANILA, Philippines – Nagsampa na ng reklamo ang National Bureau of Investigation (NBI) at PNP-Anti-Kidnapping Group (PNP-AKG) laban sa apat na indibidwal sa pagdukot sa tatlong foreign nationals sa Batangas.

Ayon sa NBI, ang dalawang Chinese at isang Korean ay kinidnap habang patungo sa kanilang fishing adventure sa Nasugu noong Mayo 2.

Dinukot sila ng grupo na nagpakilalang mga police officers at nagsagawa ng checkpoint malapit sa Kaybiang Tunnel malapit sa Cavite -Batangas boundary.

Sinabi ng NBI na ang intelligence operations ay nagresulta sa pagsuko ng isa sa suspek noong Mayo 26 sa NBI sa Pasay City.

Nagbigay ng sinumpaang salaysay at inamin na nakilahok siya sa pagmamanman, nakipagtulungan at pagpaplano sa pagdukot.

Tinukoy din niya ang umano’y mastermind sa likod ng pakana at isang “master” bilang isa sa responsable para sa pagrecruit ng mga asset para sa pangingidnap.

Kalaunan ay nagbigay ng sariling sinumoaang saaysay ang sinabing mastermind kung saan pinagtibay niya ang mga katotohanang ibinigay ng surenderee.

Sinabi ng NBI na ikinuwento rin niya na pinangakuna siya ng pera kapalit ng kanyang kooperasyon sa pagtatanim ng GPS tracking device at pagmamamanman sa galaw ng kanyang employer, na isa sa naging biktima , sa ilalim ng pgkkunwari ng pagtulong sa isang operasyon sa pagpapatupad ng batas.

Bukod dito, idinagdag ng NBI na kinumpirma rin niya ang pagkakasangkot ni ‘Master”, na nakipag-koordinasyon sa mga indibidwal na nagpanggap bilang law enforcement personnel para isagawa ang pagdukot. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here