Home ENTERTAINMENT Greta, pinag-retire si RS!

Greta, pinag-retire si RS!

Manila, Philippines- May kasabihan ngang “Misery loves company.”

Pero hindi lang palagi nagkakaroon ng pagkakabuklud-buklod ang mga tao sa tuwing may mga ‘di magagandang bagay na dumarating sa ating buhay.

Kadalasan pa nga, it’s the exact opposite.

Take the case of good friends Gretchen Barretto and RS Francisco.

Ang sa kanila’y uri ng pagkakaibigan na noong una’y pinagdudahan ng marami kung magsaswak.

Common knowledge na may pagka-“haughty” si Gretchen.

Intimidating nga ang arrive niya sa ibang tao.

Pero hindi raw umubra sa kanya si RS na madali lang nakapalagayan ng aktres the first time they met.

Kaya ganoon na lang daw ang pagtataka ng maraming tao sa kanila most especially in the advertising world.

Sa ngayon, hindi na gaanong aktibo si RS sa showbiz.

Mula pa raw ito noong kasagsagan ng pandemic na parang bigla na lang nawalan siya ng ganang umarte.

Pero pag-amin ni RS, ang talagang salarin daw ay si Gretchen.

Taong 2018-2019 daw ‘yon nang madalas siyang sabihan ni Gretchen ng: “Bakit ka pa gagawa ng movie? Bakit gagawa ka pa ng play?”

Kung matatandaan, RS starred in the film Boy Intsik.

He also did Madam Butterfly.

Kakakausap daw niya kay Gretchen who kept telling him: “Mag-retire ka na, tingnan mo ako, retired na!” ay nananatili raw ‘yon sa utak niya.

Oo nga naman, RS might as well heed Gretchen’s advice.

Pero aminado si RS na kakaibang high ang hatid ng akting sa kanya.

Sa ngayon, he has a lot on his plate kung saan kabilang ang pagbubukas ng isang malaking bar sa Bali, Indonesia pretty soon.

Ang Gretchen, hindi na lang nag-retire… nandamay pa ng iba! Ronnie Carrasco III