Nagpahayag ng kasiyahan ang grupong tumutulong sa FPJ Panday Bahayanihan Partylist sa resulta ng pinakahuling survey ng Social Weather Station o SWS.
Paliwanag ni Ricky Mallari, leader ng volunteer group, “masaya kaming mga volunteers, dahil kumpara sa mga nakaupo nang partylist groups, pinili ng mga tao ang FPJ Panday Bayanihan na bago pa lamang sumasabak sa Partylist system”.
Dagdag pa ni Ricky Mallari, marahil ramdam ng mga tao ang sinseridad ni Dr. Brian Poe, ang unang nominado ng partylist, sa walang tigil nitong pagtulong sa mga nangangailangan simula pa noong 2013 at syempre, sa kanyang ina na si Sen. Grace Poe na syang nagpapatuloy ng mga adhikain ni Da King FPJ.
Ang volunteer group na naitatag noong 2018 ay nangakong mas paiigtingin pa ang pagpapakilala ng FPJ partylist sa mas maraming lugar sa bansa.
Nangako rin ang grupo na ipararating sa pamunuan ng FPJ partylist ang mga nakakalap na hinaing at sentimyento ng mga sektor na nakakasamuha nila.
Umaasa din ang grupo na aangat pa ang FPJ Panday Bayanihan Partylist sa mga susunod na survey bago ang eleksyon sa Mayo 2025. RNT