Home NATIONWIDE Grupo ng mga doktor makikipagtulungan sa pamahalaan vs pertussis

Grupo ng mga doktor makikipagtulungan sa pamahalaan vs pertussis

MANILA, Philippines – Nagpahayag ng pag-aalala ang Philippine College of Physicians (PCP) kaugnay sa pagtaas ng kaso ng pertussis sa kabila ng pagtitiyak ng Department of Health (DOH) na ito ay kontrolado.

Kasabay nito, sinabi ng PCP na handa silang makipagtulungan sa gobyerno.

Ayon sa PCP, bagamat maaaring nakaranas ng banayad na mga sintomas ang mga kabataan at matatanda, may panganib pa rin ng malubhang karamdaman lalo na para sa mga dati nang may kondisyon sa kalusugan at populasyon ng matatanda na hindi nabakunahan.

Inirerekomenda rin na ang mga bata at sanggol ay dapat makatanggap ng doses ng tetanus-diphtheria-pertussis o STRAP vaccine sa edad na 1.5, 2.5 at 3.5 buwan at booster ng isang dose sa edad na 12 hanggang 18 buwan at booster dose sa pagitan ng 4 at 6 taong gulang.

Ang mga teenager na nakatanggap ng inirerekomendang serye ng DTaP ay dapat makatanggap ng isang booster sa pagitan ng 9 at 18 taong gulang, habang ang mga nasa hustong gulang na 19-64 taong gulang ay dapat makatanggap ng isang booster bilang kapalit ng tetanus-diphtheria booster.

Ang mga nasa edad 65 pataas na hindi nakatanggap ng DTaP booster ay dapat makatanggap ng isang booster dose, lalo na kung ang nakikipag-ugnayan sa mga sanggol.

Para sa mga buntis, ang DTaP booster “ay mahigpit na iminumungkahi sa lahat ng edad, mas mabuti sa ikatlong trimester (sa pagitan ng 27 at 36 na linggo) ng bawat pagbubuntis. Jocelyn Tabangcura-Domenden

Previous articleMonitoring ng DOH sa pagkalat ng pertussis, nagpapatuloy
Next articleKaso ng pertussis umakyat na sa 862, 49 nasawi