Home NATIONWIDE Kaso ng pertussis umakyat na sa 862, 49 nasawi

Kaso ng pertussis umakyat na sa 862, 49 nasawi

MANILA, Philippines – Nakapagtala ang Pilipinas ng 862 kaso ng pertussis o whooping cough mula Enero 1 hanggang Marso 23, 2024, sinabi ng Department of Health nitong Martes, Abril 2.

Ayon sa DOH, ang Metro Manila, Mimaropa, Central Luzon, Central Visayas at Western Visayas ang may pinakamaraming kaso ng pertussis infection.

Samantala, naitala rin ang 49 nasawi sa pertussis.

Posible pang magbago o madagdagan ang bilang ng pertussis dahil sa late consultations at reporting.

“The effects of increasing immunization efforts to stem the outbreak may not be seen in the data until 4-6 weeks after they are started,” anang DOH.

Bukod sa Pilipinas, nakapagtala rin ng mabilis na pagtaas sa kaso ng pertussis ang United Kingdom at iba pang bansa. RNT/JGC

Previous articleGrupo ng mga doktor makikipagtulungan sa pamahalaan vs pertussis
Next articleBahagi ng SCTEX Mabiga area sarado hanggang Abril 6