Home IN PHOTOS Grupo ng mga hog raisers, nagsagawa ng kilos-protesta upang bigyang prayoridad lokal...

Grupo ng mga hog raisers, nagsagawa ng kilos-protesta upang bigyang prayoridad lokal na industriya ng pagbababoy

5
0

BULACAN, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga backyard hog raiser, kasama ang mga kinatawan ng Samahang Industriya ng Agrikultura (SINAG) at National Federation of Hog Farmers (NatFed), sa Barangay San Mateo, Norzagaray, Bulacan noong Miyerkules.

Nanawagan sila sa pamahalaan na bigyang-prayoridad ang lokal na industriya ng pagbababoy, ibalik ang mga taripa sa karneng baboy, at itigil ang pag-aangkat nito.

Ayon sa SINAG, bumaba ang bilang ng mga backyard hog raiser sa komunidad mula 2,000 patungo sa wala pang 1,000, dulot ng mababang presyo ng pagbili sa mga sakahan at tumataas na gastos sa produksyon. DANNY QUERUBIN 

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here