Home IN PHOTOS Grupo sa gobyerno: National climate emergency ideklara!

Grupo sa gobyerno: National climate emergency ideklara!

(c) Danny Querubin/Remate File Photo

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng press conference ang Climate Justice at sectoral groups ngayong Lunes, Abril 22, 2024 sa Quezon City upang markahan ang Earth Day 2024 at nanawagan sa gobyerno na ideklara ang national climate emergency sa gitna ng krisis sa klima na nagpalala ng epekto ng El Niño sa kabuhayan ng mga magsasaka at mangingisda mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa.

(c) Danny Querubin/Remate File Photo

Nananawagan ang grupo sa administrasyong ito na maglaan ng pondo para sa adaptasyon at katatagan ng mga mahihinang komunidad. Danny Querubin