Home ENTERTAINMENT Mariel, idinaan sa SS ang convo kay Robin sa pambababae!

Mariel, idinaan sa SS ang convo kay Robin sa pambababae!

Manila, Philippines – Idinaan sa screen shot ni Mariel Rodriguez ang private convo nila ni

Robin Padilla sa kanyang latest post sa Facebook.

Pagsiwalat ng bagong kinahuhumalingang babae ng aktor-pulitiko ang kanilang topic.

Nilakipan muna ito ng caption ni Mariel addressed to herself: “Ano raw ang magiging reaksyon niya kung sakaling ipagtapat ng asawa na meron itong bagong babae?”

Pero in-assure na ni Mariel si Robin na kung sinuman daw ‘yon ay makakaasa ito na nasa likod pa rin siya ng senador.

Suportado pa rin daw ni Mariel si Robin whatever happens.

Came the moment of revelation na ikinakaba ni Mariel.

Hirit ni Robin, alam na raw ng buong mundo kung sinong babae ang tinutukoy niya.

At du’n na nga inamin ni Robin na si Taylor Swift ‘yon.

Matatandaang kapwa bumiyahe ng

Singapore ang couple para panoorin doon ang concert ng international singer.

Bale ba, ang title pa ng bagong awitin ni Taylor Swift ay pangalan ni Robin.

Pero hindi ‘yun ang ‘ika nga’y punchline sa private convo ng mag-asawa.

Nagkamali kasi si Mariel ng hula kung sino ang bagong babaeng kinalolokohan ni Robin.

“Akala ko si..’C’!” sey ni Mariel na mas ikinaintriga ng mga netizens.

Tinakpan kasi ng heart sticker ang pangalan ng “C” na binanggit ni Mariel.

Kaya naman inuurot ng mga netizens si Mariel na kung maaari y tanggalin ang heart sticker sa bibig nito!

In showbiz circles, isang open book na ang makulay na buhay-pag-ibig ni Robin.

Hindi na nga kailangang isa-isahin ang mga taga-showbiz na minsan isang panahon ay nagkaroon ng kaugnayan sa action star bago dumating si Mariel sa kanyang buhay.

Naiintriga tuloy ang mga netizens kung sino si “C” na alam ni Mariel na naugnay kay Robin.

At least, walang itinatago si Robin sa kanyang misis na tanggap ang pagiging palikero ng aktor. Ronnie Carrasco III