Home IN PHOTOS Pinakamalaking ‘Balikatan’ kinondena

Pinakamalaking ‘Balikatan’ kinondena

MANILA, Philippines – Nagsagawa ng kilos-protesta ang mga multi-sectoral group sa harap ng Camp Aguinaldo sa Quezon City noong Lunes, Abril 22, 2024, sa oras ng pagbubukas ng Balikatan 39-2024 para kondenahin ang planong pagsasanay-militar sa pagitan ng tropa ng Estados Unidos at Pilipinas.

Anti-balikatan protest. (c) Danny Querubin/Remate File Photo
Anti-balikatan protest. (c) Danny Querubin/Remate File Photo

Ayon sa mga protestante, hindi napigilan ng Balikatan ang pagsalakay ng China sa West Philippine Sea at sa halip ay nagdulot lamang ito ng toneladang pera ng mga nagbabayad ng buwis at pagkasira sa kapaligiran. Danny Querubin