Home NATIONWIDE GSIS solar loan bubuksan sa pensioners simula Sept. 30

GSIS solar loan bubuksan sa pensioners simula Sept. 30

1
0

MANILA, Philippines – Maaari nang mag-avail ang mga kwalipikadong GSIS pensioner ng hanggang P500,000 solar energy loan simula Setyembre 30 para sa pagbili at installation ng residential solar energy system.

Sa ilalim ng Ginhawa Solar Energy Loan (GSEL), maaaring bayaran ang loan sa loob ng hanggang limang taon na may 5% annual interest at walang service fee, ayon sa Government Service Insurance System (GSIS).

Maaaring magsumite ng aplikasyon sa pamamagitan ng GSIS Touch mobile app, na ginagamit din ng mga miyembro at pensioner para sa loan applications at iba pang serbisyo.

Ayon kay GSIS President and General Manager Wick Veloso, layunin ng pagpapalawak ng programa na bigyan ang mga retiradong kawani ng gobyerno ng karagdagang paraan upang mapababa ang kanilang gastusin sa kuryente.

Unang inilunsad ang GSEL noong Marso para sa mga aktibong government employee. Ang pagbubukas nito sa pensioners sa Setyembre 30 ang unang pagpapalawak ng programa sa mga retirado.

Kasabay nito, pinalawak din ng GSIS ang ilang benepisyo para sa pensioners, kabilang ang pagtaas ng funeral benefit mula P30,000 sa P50,000 para sa mga kwalipikadong claim sa pagkamatay simula Hulyo 13.

Inalis din ang dating cap sa survivorship pension upang matanggap ng kwalipikadong surviving spouse ang buong benepisyong katumbas ng 50% ng pension ng namatay na miyembro o pensioner. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here