Home NATIONWIDE ‘Guerilla scammer’ pumalit sa pagbaklas ng POGO – Hontiveros

‘Guerilla scammer’ pumalit sa pagbaklas ng POGO – Hontiveros

MANILA, Philippines – Lubhang ikinaalarma ni Senador Risa Hontiveros ang pagsulpot ng “guerilla scam operations” kapalit ng Philippine Offshore Gaming Operators (POGOs) sa bansa na nambibiktima sa social media.

Ipinalutang ito ni Hontiveros sa ginanap na deliberasyon sa plenaryo ng Senado sa panukalang badyet ng Department of Information and Communications and Technology (DICT) sa susunod na taon.

“Following the welcome declaration of the President banning POGOs, our law enforcement officers have found an alarming trend that, instead of using POGOs as regulatory cover, guerilla scam operations are now emerging—perhaps even harder to detect,” aniya.

Dahil dito, inungkat ni Hontiveros kung paano tinutugunan Cybercrime Investigation Coordinating Center (CICC) ang ganitong uri ng modus operandi.

Sa kanyang tugon, sinabi ni Senador Sherwin Gatchalian, isponsor ng panukalang badyet ng DICT sa 2025 na nagawa ng CICC “ang pagbuwag sa 11 scam hubs—illegal man o legal.”

“This is in cooperation with various law enforcement agencies, such as the PNP and NBI. They have the technology to also detect scam hubs in the country, and they also have a hotline that people can call and report this type of scamming operation,” aniya.

Ayon kay Gatchalian na umaasa ang DICT na maipapaliwanag nito ang metodolohiya partkular kung anong klaseng teknolohiya ang gamit ng ahenisya upang matukoy ang scam hubs sa isang executive session.

Hinggil naman sa katanungan kung paano masusugpo ng CICC ang text scam na nagpapanggap na bangko o e-wallet applications, sianbi ni Gatchalian na inatasan ng National Telecommunications Commission (NTC) ang lahat ng telcos na “to be very strict” sa pagbebenta ng SIM cards.

Gamit ang datos ng NTC, sinabi ni Gatchalian na nitong Setyembre 2024, umaabot sa 2.22 bilyong SMS ang naharang ng ahensiya, 2.31 SIM ang deactivated at 10.79 milyong numero ang blacklisted.

“The NTC is also doing its share to make sure that the type of text blasts or spams, as we call it, are being reduced. But admittedly, there’s much to be done,” ayon kay Gatchalian.

Ibinulgar pa ni Gatchalian na isa sa bagong pamamaraan na ginagawa ng scammer ang pagpapadala ng “anonymous texts na nag-aalok ng properties for sale.” Kapalit ito ng mapanlokong text messages na nag-aalok ng trabaho. Ernie Reyes