Manila, Philippines- Last month lang nang maaprubahan ang petisyon ni Max Collins para diborsyohin ang asawang si Pancho Magno.
Sa 24 Oras, tila ipinapangalandakan pa ng Kapuso actress na: “We’re legally separated so it’s official na!”
Sa kabila ng pagiging divorced as a couple since Max is herself an American citizen, walang nabago sa kanilang co-parenting setup.
Sa loob ng walong taong pagsasama, nabiyayaan sina Max at Pancho ng isang anak–si Skye.
Nais lang din patunayan ni Max na tulad nila ni Pancho, other couples can be like them.
Hindi nga naman sila indifferent toward each other unlike most separated couples who harbor feelings of animosity sa isa’t isa.
Matatandaang kasagsagan ng pandemya nang magdesisyon sina Max at Pancho na maghiwalay.
“It was a mutual decision,” giit noon ni Max.
‘Yun nga lang, kinailangan nila ni Pancho na itago ‘yon bilang proteksyon na rin sa kanilang anak.
In fairness, sina Max at Pancho ang uri ng disenteng couple na never nagsiraan o nagkalabasan ng kanilang mga baho sa publiko.
They still managed to show up together sa mga birthday celebrations ni Skye na ‘di mo paghihinalaang nagkanya-kanya na sila ng landas. Ronnie Carrasco III