Home NATIONWIDE Pagpatay sa Vice Mayor asirant kinondena ng Comelec

Pagpatay sa Vice Mayor asirant kinondena ng Comelec

170
0

Mariing kinondena ng Commission on Elections (Comelec) ang insidente ng pamamaril sa isang kandidato sa oagka-bise alkalde sa South Cotabato.

Ayon kay Comelec Chairman George Erwin Garcia, walang puwang sa demokrasya ang ganitong uri ng mga pagpatay kung kayat dapat lamang na kinokondena.

Sinabi ng poll chief na hindi pa matatawag na election related incident ang pamamaril sa kandidato dahil hindi pa sakop ng Comelec ang ganitong insidente dahil hindi pa nagsisimula ang election period.

Umaapela siya sa mga law enforcement agency na agad arestuhin ang taong nasa likod ng pagpatay.

Si Vice Mayoralty Candidate Jose Osoria na kasalukuyang Barangay Chairman ng Bukay Pait Tantangan South Cotabato ay pinagbabaril habang nasa eatery na pagmamay-ari ng kanyang asawa noong Lunes ng umaga, November 18. (Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here