Home NATIONWIDE Guidelines sa pakikilahok sa Service Contracting Program ng mga LGU, inilabas ng...

Guidelines sa pakikilahok sa Service Contracting Program ng mga LGU, inilabas ng DOTr

56
0

MANILA, Philippines – Naglabas ang Department of Transportation (DOTr) ng bagong supplemental guidelines na nagbibigay-daan sa local government units (LGUs) na opisyal na makilahok sa Service Contracting Program (SCP) ng pamahalaan.

Sa ilalim ng Department Order No. 2026-011 o “Supplemental Service Contracting Program Guidelines for Local Government Units,” maaaring pumasok ang DOTr, sa pamamagitan ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) at Maritime Industry Authority (MARINA), sa mga kasunduan kasama ang LGUs para sa pagpapatupad ng programa.

Ayon sa DOTr, may ilang LGU na nagpapahayag na ng interes na ipatupad ang SCP sa kanilang mga lugar. Ang pondo para rito ay manggagaling sa General Appropriations Act para sa Fiscal Year 2026.

Layunin ng bagong patakaran na magkaroon ng malinaw at iisang pamantayan sa pagpapatupad ng programa at tukuyin ang responsibilidad ng bawat kalahok na LGU.

Kinakailangan din ng mga LGU na magsumite ng regular na ulat sa LTFRB para sa land transport at sa MARINA para sa sea transport.

Ang LTFRB at MARINA naman ang maglalabas ng mas detalyadong guidelines para sa lokal na implementasyon ng programa sa pakikipag-ugnayan sa mga LGU. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here