Home NATIONWIDE Sandiganbayan naglabas ng subpoena sa DPWH records kaugnay ng flood control cases

Sandiganbayan naglabas ng subpoena sa DPWH records kaugnay ng flood control cases

70
0

MANILA, Philippines – Nagpalabas ang Sandiganbayan Third Division nitong Martes ng subpoena para sa mga record ng funding requests ng mga mambabatas mula sa programming division ng Department of Public Works and Highways (DPWH).

Inutusan ng korte, na pinamumunuan ni Associate Justice Karl Miranda, si DPWH Central Office Programming Section chief Engr. Gerard Longoria na isumite ang mga kopya ng lahat ng funding requests na ginawa sa anumang paraan.

Ang subpoena ay inilabas habang tumestigo si Longoria sa kaso ng dating Senador Ramon “Bong” Revilla Jr. kaugnay ng umano’y ghost flood control project sa Pandi, Bulacan.

Ayon kay Longoria, si dating DPWH Undersecretary Catalina Cabral ay nagbigay umano ng verbal instructions at listahan ng mga infrastructure projects at proponents na isasama sa revised submissions sa Kongreso, kabilang si Revilla.

Sa pagdinig, binasa rin ang ilang pangalan na nasa listahan, kabilang ang ilang dating at kasalukuyang opisyal tulad nina Bulacan Mayor Ambrosio Cruz Jr., dating Valenzuela Rep. Eric Martinez, at Manila Rep. Joel Chua.

Itinanong ng korte kung ang pagiging project proponent ay awtomatikong nangangahulugan ng wrongdoing, at sinagot ni Longoria na “Yes. Anyone can propose,” kabilang ang mga pribadong indibidwal.

Binanggit din niya na kabilang sa mga mambabatas na umano’y humiling ng proyekto ay si Sen. Raffy Tulfo, habang nauna ring naiulat na may kahalintulad na request si Sen. Imee Marcos.

Nilinaw ng korte na ang pag-request bilang project proponent ay hindi ilegal basta’t walang kasamang kickbacks o katiwalian. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here