Home HOME BANNER STORY Guinness World Record para sa pinakamalaking solar artwork nasungkit ng Pinoy org

Guinness World Record para sa pinakamalaking solar artwork nasungkit ng Pinoy org

MANILA, Philippines- Nakamit ng isang international solar light advocacy group na itinatag ng Pilipino ang bagong Guinness World Record para sa pinakamalaking solar artwork sa buong mundo.

Ibinida sa publiko ang obrang tinawag na “Tree of Light” nitong Mayo 22, ang International Day for Biodiversity, na ginawa gamit ang 3,000 solar lamps.

Ang nasabing mga lampara ay binuo ng mga estudyante mula sa Deira International School ar Universal American School, kapwa nasa Dubai, United Arab Emirates (UAE).

Proyekto ito ng Liter of Light at ng Al-Futtaim Group, grupo ng mga kompanya sa UAE.

Base kay Liter of Light founder at global director Illac Diaz, sumisimbolo ang obra sa “collective responsibility” ng mga tao na pangalagaan ang kapaligiran.

“The Tree of Light is reminds us of our responsibility to care for the Earth and to be mindful of our impact on the environment. Nearly one million animal and plant species are now threatened with extinction. Each species that dies is like taking away a branch of that tree, a tremendous loss to life on earth and future generations,” wika ni Diaz.

“Working with the youth to be part of this message was important because they are the ones who are leading change and inspiring us to act to build back biodiversity,” dagdag niya.

Pagkatapos ng public viewing ng obra, sinabi ng Liter of Light na ido-donate ang mga ilaw sa mga komunidad sa Agusan Marsh Wildlife Sanctuary. RNT/SA