MANILA, Philippines – Kasunod ng sunog sa mga Barangay 66, 148, at 185 sa Pasay City, personal na tumulong si Senator Christopher “Bong” Go sa mga apektadong pamilya ng sakuna noong Martes, Mayo 12.
Binigyang-diin ni Go ang pangangailangan para sa mas matibay na pag-iwas sa sunog at mas mahigpit na pagbabantay sa mga komunidad, lalo na’t ang matinding init ay patuloy na nagdudulot ng panganib sa kalusugan ng publiko at nagpapataas ng posibilidad ng mga insidente ng sunog.
Tiniyak ni Go sa mga biktima ng sunog ang kanyang patuloy na pagsuporta sa mga Pilipinong nangangailangan sa kabila ng kanyang mga tungkulin sa Senado.
“Pasensya na po, nag motor lang ako papunta rito sa inyo. Malapit lang naman po ang Senado, magtatrabaho pa po ako. Alam niyo, magulo po ang Senado ngayon, ipagdasal niyo po kami. Sana po’y makabalik na sa normal na pamumuhay ang bawat Pilipino. Alam niyo, sa bawat gulo, ang apektado dyan ay ang ating mga kababayan. Kung magulo sa Pilipinas, ang nasasakripisyo ay ang serbisyo,” sabi niya.
“”Hindi ko naman akalain na magkakagulo sa Senado pero sabi ko, pupuntahan ko kayo. Nanggagaling po sa inyo ang aking lakas, mga kababayan ko,” dagdag niya.
Ang distribution activity na ginanap sa Brgy. 66 covered court ay nakapagbigay ng tulong sa kabuuang 126 pamilyang naapektuhan ng sunog gaya ng pinansyal, meryenda, bitamina, lalagyan ng tubig, bola, kamiseta, grocery packs upang matulungan silang makabangon mula sa insidente. Nakatanggap din ang ilan ng sapatos, mobile phone, relo, at bisikleta.
Kinilala ng senador ang mga barangay kapitan na naroroon, tulad ni Brgy. 57 Capt. Noel Dulejan, Brgy. 62 Capt. Wilfredo dela Rosa, Brgy. 61 Capt. Frederick Mesias, Brgy. 65 Capt. Jun Suledom, Brgy. 66 Caopt. Lemon Tawat, Brgy. 148 Capt. Benjamine Tumazar, at Brgy. 185 Capt. Ronnie Ramos.
Hinimok ni Go ang mga apektadong residente na umiwas sa mga sakit na may kaugnayan sa init, gaya ng pananatiling hydrated, pag-iwas sa matagal na pagkakalantad sa direktang sikat ng araw, at agarang paghingi ng medikal na atensyon kapag lumitaw ang mga sintomas tulad ng pagkahilo, pagduduwal, o pagkapagod.
Binigyang-diin niya ang papel ng Malasakit Centers sa pagtiyak na ang mga biktima ng sunog at iba pang emergency ay maaaring makakuha ng tulong medikal. Siya ang principal author at sponsor ng RA 11463, na kilala rin bilang Malasakit Centers Act of 2019, na nag-institutionalize ng Malasakit Centers sa buong bansa.
Sa kasalukuyan, 167 Malasakit Centers ang naitatag sa buong bansa, ayon sa ulat ng Department of Health (DOH). RNT