Home NATIONWIDE Gumagandang ekonomiya ng Pinas pinuri ng Vietnam; maritime cooperation ‘hotline’ itinatag

Gumagandang ekonomiya ng Pinas pinuri ng Vietnam; maritime cooperation ‘hotline’ itinatag

MANILA, Philippines – Pinuri ng Vietnamese leaders ang gumagandang ekonomiya ng Pilipinas matapos magtala ng mataas na economic growth rates sa kabila ng global challenges sa world market.

Binati ni Viet Nam President Vo Van Thoung si Pangulong Marcos sa socio-economic, foreign policies, security and defense achievement ng bansa sa ilalim ng kaniyang liderato at ang mabungang kinahinatnan ng bilateral talks sa pagitan ng Pilipinas at Vietnam.

Sinabi rin ni Viet Nam Prime Minister Pham Minh Chinh na nais nilang makakuha ng kaalaman mula sa economic strategy ni Pangulong Marcos at ang leadership style nito ay dapat tularan ng Vietnamese leaders.

Nakapulong ni Pangulong Marcos si Prime Minister Pham matapos ang pulong nila ni Viet Nam President Thoung.

“I truly appreciate the role of Mr. President in promoting and creating traditions for businesses from the Philippines to grow and making contributions to the socio-economic development of the Philippines,” ayon kay Prime Minister Pham.

Sa usapin ng trade and investment tiniyak ni Prime Minister Pham kay Pangulong Marcos ang mas malalim pang kuneksyon ng dalawang bansa.

Sang-ayon din si National Assembly Chairman Vuong Dinh Hue sa mga pahayag nina Viet Nam President Thoung at Prime Minister Pham.

Ayon kay Hue nagkaroon ng malaking pagbabago sa ekonomiya ng Pilipinas sa ilalim ng liderato ni Marcos.

Lumago ang ekonomiya ng bansa ng 5.6 percent year-on-year sa fourth quarter ng taong 2023.

Sa mga bansa sa Asya na naglabas na ng kanilang 4th Quarter GDP growth, pumapangalawa ang Pilipinas kasunod ng Viet Nam (6.7%).

Naungusan naman ng Pilipinas ang China (5.2%) at Malaysia (3.4%).

Pagpapalakas ng maritime cooperation

Samantala, kapuwa tinintahan ng Philippine Coast Guard (PCG) at Vietnam Coast Guard (VCG) ang isang kasunduan ukol sa pagtatatag ng “hotline” para palakasin ang komunikasyon sa pagitan ng dalawang maritime security groups.

Nilagdaan ang memorandum of understanding (MOU) sa isinagawang state visit ni Marcos Jr. sa Vietnam kasama sina PCG Chief, Admiral Ronnie Gil Gavan, at Iba pang opisyal ng pamahalaan.

Layon ng MOU na palakasin ang “understanding, mutual trust, and confidence” sa pagitan ng PCG at VCG sa pamamagitan ng pagtalakay sa mga karaniwang usapin at interest at pagtatatag ng hotline.

Sinabi pa ni Gavan na ang MOU ang magpapalakas sa strategic partnership at pagtutulungan sa pagitan ng PCG at VCG tungo sa “promoting, preserving, and protecting mutual interest in the Southeast Asian region.” RNT