Home HEALTH ‘Harm reduction principle” ng global tobacco control treaty naipanalo ng Pinas

‘Harm reduction principle” ng global tobacco control treaty naipanalo ng Pinas

MANILA, Philippines – DAHIL progresibong hakbang ng Pilipinas para tugunan ang problema sa paninigarilyo ay nakamit ang “milestone” o makabuluhang kaganapan kasama ang pagkakapasa ng Vape Law, subalit patuloy na hindi pinapansin ng global tobacco control treaty ng World Health Organization’s ang “harm reduction” bilang patunay na paraan para tulungan ang mga naninigarilyo na tumigil.

“The Vape Law acknowledges the need for less harmful alternatives for smokers, and Congress, by passing this law, has shown its support for science-based public health policy,” ayon kay Dr. Lorenzo Mata, Pangulo ng Quit For Good, isang non-profit organization na nagpo-promote ng ‘harm reduction’ para pagaanin ang pinsala dahil sa sigarilyo.

Suportado ng lokal at pandaigdigang eksperto sa pampublikong kalusugan ang tumataas na scientific evidence na ang novel tobacco products gaya ng heated tobacco, oral nicotine at vape products ay hindi gaanong nakapipinsala kaysa sa paninigarilyo.

Tinanggap naman na ng mga bansa gaya ng UK, New Zealand at Japan ang mga nasabing produkto bilang ” proven tools” para bawasan ang pinsala ng paninigarilyo.

Sa sponsorship speech ni Senate President Juan Miguel Zubiri para sa Vape Bill bago pa ito naisabatas, binigyang-diin nito ang kahalagahan na bigyan ang mga Filipinong naninigarilyo ng alternatibo para sa “combustible cigarettes” o madaling magningas na sigarilyo.

Tinuran naman ni Professor David Sweanor, chairman ng advisory board ng Center for Health Law, Policy and Ethics sa University of Ottawa, ang pagkakapasa ng Vape Law sa Pilipinas ay maaaring magdulot ng “public health revolution”.

Pinuri naman ni Dr. Konstantinos Farsalinos, isang Greek cardiologist at nangungunang researcher ng ‘tobacco harm reduction’ ang Pilipinas dahil nakalikha ng “such an achievement in such as difficult region.”

Winika naman ni Dr. Alexander Wodak, dating direktor o tagapangasiwa ng Alcohol and Drug Service sa St. Vincent’s Hospital sa Sydney, Australia na ang ibang Asian countries ay kumikilos patungo sa naturang pangkalahatang direksyon ngunit ‘di kasing-advance ng Pilipinas.

Inilarawan naman ni Roberto A Sussman, isang associate professor ng National University of Mexico, ang pagsasabatas sa Vape Law sa Pilipinas bilang “a ground-breaking event that will influence countries in Asia, Latin America and Africa”.

Ang ‘harm reduction” ay isa sa tatlong haligi ng World Health Organization Framework Convention on Tobacco Control, kinikilala ito bilang public health strategy kasama ang demand at supply reduction.

Ipinaliwanag naman ni Dr. Mata na ang ipinasang Republic Act No. 11900 o Vaporized Nicotine and Non-Nicotine Products Act of 2022 ay naglalayong i-regulate o ayusin ang smoke-free alternatives na kinokonsidera na hindi gaanong nakapipinsala kaysa sa tradisyonal na sigarilyo.

Binigyang diin nito ang kahalagahan na maihanay ang paninindigan ng FCTC ng Pilipinas sa Vape Law, lalo na ang ikonsidera ang lumalagong pagtanggap at promosyon ng THR sa buong mundo.

Tinukoy naman ni Dr. Mata bilang halimbawa ang mga bansang gaya ng United Kingdom, Japan at Sweden, na lubhang nabawasan ang smoking rates nang pahintulutan ang mga naninigarilyo na lumipat sa hindi gaanong nakapipinsala na alternatibo gaya ng e-cigarettes, heated tobacco, at oral nicotine.

Nakiisa naman si Mata sa public health experts na manawagan sa WHO FCTC na isama ang THR principles, pahintulutan ang mga naninigarilyo na magkaroon ng access sa mas ligtas na alternatibo.

Binatikos naman ni Dr. Mata ang WHO sa kabiguan nitong igalang ang article 1(d) ng FCTC preamble, tahasang binanggit ang “harm reduction strategies” bilang mahalagang haligi ng tobacco control.

Tinuran ni Dr. Mata na sa Pilipinas, mahigit sa milyong naninigarilyo ang lumipat na sa smoke-free products para bawasan ang kanilang pagkakalantad sa sigarilyo, binigyang diin ang pangangailangan para sa hindi gaanong nakapipinsalang mga alternatibo.

Kumbinsido rin ang mga taga-suporta ng batas na ang vaporized nicotine and non-nicotine products at novel tobacco products ay dapat na isaayos at buwisan nang magkaiba mula sa sigarilyo upang makahikayat ng mga adult smoker na lumipat sa mga nasabing produkto.

Samantala, hinikayat ni Asa Saligupta, direktor ng ENDS Cigarette Smoke Thailand, ang mga bansa gaya ng Thailand, na pag-aralan ang kaso ng Pilipinas, naipasa ang Vape Law bilang pagkilala sa papel ng tobacco harm reduction sa kampanya laban sa paninigarilyo. Kris Jose

Previous articleGumagandang ekonomiya ng Pinas pinuri ng Vietnam; maritime cooperation ‘hotline’ itinatag
Next articleMonopolyo sa food supply sa BuCor inalmahan