Home METRO Gun-for-hire sa Cebu, arestado

Gun-for-hire sa Cebu, arestado

MANILA, Philippines – Arestado ang pinaghihinalaang gun-for-hire sa pagdadala ng hindi lisensyadong baril sa Sitio Ibabao, Barangay Mambaling sa Cebu City.

Ang suspek ay kinilalang si Reynaldo Frizas, 31-anyos, residente ng nabanggit na lugar.

Nakumpiska ng mga awtoridad ang .22 caliber revolver at live ammunition.

Ayon kay Police Lieutenant Loreto Tuliao, deputy chief ng Mambaling Police Station, inaresto nila ang suspek matapos makatanggap ng ulat mula sa mga residente tungkol sa isang armadong indibidwal.

Idinagdag pa na iniimbestigahan na rin nila ang ulat na sangkot ang suspek sa ilang shooting incidents sa Mambaling.

Nakatanggap din sila ng sumbong na tumatanggap ang suspek ng bayad mula P25,000 hanggang P30,000 mula sa kliyente na kumukuha sa kanya upang pumatay.

Nauna nang inaresto ang suspek sa pagdadala ng illegal na armas ngunit pinakawalan noong 2023.

Itinanggi ng suspek ang alegasyon laban sa kanya. Sinabi na hindi siya ang may-ari ng pistola at hiniram niya lamang ito sa kanyang kaibigan para sa proteksyon. RNT/JGC

Previous articlePagresolba sa kaso ng filmmaker at mga kasamahan nito, pinamamadali ni Remulla
Next article3rd joint patrol isinagawa ng US, PH sa WPS