Home NATIONWIDE Pagresolba sa kaso ng filmmaker at mga kasamahan nito, pinamamadali ni Remulla

Pagresolba sa kaso ng filmmaker at mga kasamahan nito, pinamamadali ni Remulla

MANILA, Philippines – Ipinag-utos ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla sa Quezon Province Provincial Prosecutor na resolbahin na agad ang kasong isinampa laban sa filmmaker na si Jade Castro at sa mga kasamahan nito na sina Noel Mariano, Ernesto Orcine at Dominic Ramos.

Sina Castro ay dawit sa umano’y pagsunog ng isang modern jeepney sa Catanauan, Quezon.

Kasalukuyang nakapiit sa Catanauan municipal police station ang mga suspek mula pa Pebrero 1.

Ayon kay DOJ Spokesperson Jose Dominic Clavano, inatasan ng kalihim ang Provincial Prosecutor ng Quezon ba tiyakin na maayos at mabilis na maipatutupad ang hustisya.

Sa kasong ito, aniya ay ipinaubaya na ng mga suspek ang kanilang karapatan sa ilalim ng Article 125 ng Revised Penal Code upang makapagsumite sila ng counter affidavit para masuri ng maigi ng piskalya ang kanilang depensa.

Salig sa Article 125 ng Penal Code, may parusa dahil sa kabiguan ng isang public officer na madala sa judicial authority ang mga suspek sa itinakdang panahon.

Batay sa testigo ng mga saksi nakita sina Castro at mga kasamahan nito na nagpangap na pasahero, ipinaginto ang sasakyan at sinunog.

Naaresto ang mga suspek sa isang beach sa Mulanay na 22 kilometro lamang ang layo sa Catanauan kung saan nangyari ang krimen. Teresa Tavares