Home METRO Gun-for-hire suspect nasakote sa Cavite

Gun-for-hire suspect nasakote sa Cavite

CAVITE – Nasakote ang isang gun-for-hire na suspek mula sa Ozamiz City ng Manila Police District Intelligence and Operations Unit sa Tanza, Cavite, nitong Biyernes, Enero 5.

Ayon kay Manila Police Director Police Brigadier General Arnold Thomas Ibay na dalawang buwan nang pinaghahanap ang suspek dahil sa sunod-sunod na pagpatay sa Ozamiz City, Misamis Occidental.

“Ginagamit siya dati, panahon pa ng nakaraang mga administrasyon sa Ozamiz. So nagtago siya rito,” ayon pa kay Ibay.

Narekober mula sa suspek ang isang Glock 9mm.

Napag-alaman na nakarehistro ang baril sa isang opisyal ng local government unit sa Southern Tagalog. RNT

Previous articleLTFRB: Pinal na listahan ng consolidated PUVs ilalabas sa Enero 8
Next article4 Filipino law expert pasok bilang arbitrators sa PCA