MANILA, Philippines – Kumpiyansa ang Department of Justice na maibabalik na sa Pilipinas si dating Bamban Tarlac Mayor Alice Guo ngayong Huwebes, Setyembre 5.
Ayon Kay Justice Spokesperson Atty. Mico Clavano, inaasahan na anumang oras ngayong araw ay iuuwi na si Guo dahil nakikipag-ugnayan na ang Pilipinas sa gobyerno ng Indonesia.
Sinabi ni Clavano na daraan sa proseso si Alice Guo gaya nang ginawa sa kapatid nito na si Shiela Guo dahil may hinaharap itong mga kaso.
Pinaliwanag din ni Clavano na malinaw ang nagawang krimen ni Guo at ito ay ang disobedience to summons o hindi pagtalima sa mga kautusan na tinitingna ngayon ng DOJ.
Kaugnay sa prisoner swap, nilinaw ni Clavano na wala pang natatanggap na formal request ang pamahalaan mula sa Indonesian government. Teresa Tavares