MANILA, Philippines – OPISYAL nang itinalaga ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. si Presidential Assistant for Strategic Communications Senior Undersecretary Cesar Chavez bilang bagong Press Secretary ng Presidential Communications Office (PCO).
Ang pag-upo ni Chavez sa PCO ay bunsod na rin ng pagbibitiw sa puwesto ni PCO Sec. Cheloy Garafil na nakatakda namang pamunuan ang Manila Economic Office o MECO sa Taiwan.
Papalitan niya si dating Labor Secretary Silvestre Bello III.
Samantala, sa ulat, nakatakdang manumpa mamyang alas-2 ng hapon, ngayong araw ng Huwebes, Setyembre 5 si Chavez bilang Kalihim ng PCO. RNT