Home NATIONWIDE Marikina River itinaas sa unang alarma sa Habagat

Marikina River itinaas sa unang alarma sa Habagat

MANILA, Philippines – Itinaas ng mga awtoridad sa unang alarma ang babala sa Marikina River magtatanghali ng Huwebes, Setyembre 5 dahil sa tuloy-tuloy pa rin na malalakas na pag-ulan dulot ng Southwest Monsoon o Habagat.

Sa post sa Facebook, sinabi ng Marikina City Disaster Risk Reduction Management Office na itinaas sa unang alarma ang Marikina River bandang 10:40 ng umaga nang umabot sa 15 metro ang lebel ng tubig sa ilog.

Nangangahulugan ito na dapat nang maghanda ang mga residente sa posibleng paglikas. RNT/JGC