Home NATIONWIDE Guo bibigyan ng executive session ‘pag nilaglag lahat ng POGO ‘big boss’...

Guo bibigyan ng executive session ‘pag nilaglag lahat ng POGO ‘big boss’ – JV

MANILA, Philippines – Pabor si Senador JV Ejecito na bigyan ng executive session si dismissed Mayor Alice Guo kung papangalanan nito ang lahat ng kanyang boss at protector sa operasyon ng illegal na Philippine Offshore Gaming Organization (POGO) sa Bamban, Tarlac.

Sa pahayag, sinabi ni Ejercito na kailangan ng Senado ang mas maraming impormayson, di kasinungalingan at pag-iwas sa katotohan ang dapat ilantad ni Guo bago ito pagbigyan sa hiling.

“Kung sakaling sa executive session, siguro ibigay natin para malaman natin, para maituro kung sino talaga ang mga big boss sa likuran ng mga ilegal na POGO,” ayon kay Ejercito sa interview.

Gustong malaman din ni Ejercito ang lahat ng indibiduwal na tumulong kay Guo sa pagpapatakbo ng kanyang tanggalan na maghahawan ng daan para sa gobyerno kung papaano nahalal ang isang Chinese national sa Pilipinas.

“Baka mamaya talagang pain siya… Marami na ring Chinese nationals ako na alam na sa ibang lugar nakapwesto na, paliwanag niya.

Pinanguhan ni Senador Risa Hontiveros ang pagtanggi na pagbigyan ng executive session si Guo na mangyayari kung ilalantad sa publiko ang katotohanan bago pagbigyan ang apela.

Nakatakdang ipagpatuloy ng Senado ang pagdinig bukas, Setyembre 17, na ikalawang pagkakataon kay Guo na magsalita magmula nang madakip ito sa Indonesia.

Nahaharap si Guo sa 87 kas ng money laundering kasama ang ilang human trafficking na may kaugnayan sa nilusob sa illegal POGO sa Tarlac. Ernie Reyes