Home NATIONWIDE Guo kinokonsiderang sumuko sa Senado – abogado

Guo kinokonsiderang sumuko sa Senado – abogado

108
0

MANILA, Philippines – Ikinokonsidera na ni suspended Bamban, Tarlac Mayor Alice Guo ang pagsuko nito at pagharap sa Senado, sinabi ng kanyang abogado.

Sinabi ni Atty. Stephen David na maaaring dumalo si Guo sa susunod na nakatakdang pagdinig sa mga umano’y ilegal na aktibidad sa Philippine offshore gaming operations (POGO) sa Hulyo 29.

“She is contemplating kung kailan siya at paano siya su-surrender sa jurisdiction ng Senado. Kung magsu-surrender siya ngayon, matagal ‘yang made detain, hanggang sa next hearing which I think is July 29. Kung dadalo ‘yan siyempre during the hearing na lang,” ani David sa isang ulat.

Ginawa ni David ang pahayag ilang araw matapos ipag-utos ng Senado na arestuhin si Guo matapos itong mabigo na dumalo sa paglilitis sa kabila ng subpoena.

Nilinaw din ni David na hindi umalis ng bansa si Guo.

“Kahapon magkausap kami. Matagal din kaming nag-usap, more than one hour. Sabi niya nasa Pilipinas siya. Sa tagal ng aming usapan siyempre naniniwala naman na nandito na siya sa Pilipinas,” dagdag pa ni David.

Sinabi ni Senator Risa Hontiveros, chairwoman ng Committee on Women, Children, Family Relations, and Gender Equality, na dapat na agad na humarap si Guo, lalo na’t hindi pa siya nakadalo sa ilang pagdinig sa Senado. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here