MANILA, Philippines – Kinumpirma ng nag-notaryo ng counter-affidavit ng dismissed mayor ng Bamban, Tarlac na si Alice Guo na nakita at nakausap niya ito ng personal.
Sa ekslusibong panayam ng DZRH, sinabi ni Atty. Elmer Galicia na nakaharap niya si Guo at personal niya itong nakausap nang magpa-notaryo ito para sa counter-affidavit.
Ani Galicia, inirefer umano ng kasamahan nito si Guo para magpa-notaryo alas-7 ng gabi noong Agosto 14.
Bagama’t hindi na bumaba ng sasakyan si Guo, nakumpirma niya umanong ang nasuspindeng alkalde ito dahil nakababa ang bintana ng sasakyan.
“Tiningnan ko po yung ipinakita niyang ID. Ipinakita niya yung kanyang driver’s license at umakyat po ako ng office at ni-notaryo ko,” paglalahad ni Galicia sa panayam sa DZRH.
Pagtatapos ng abogado, napakabilis ng pangyayari mula sa oras na nakaharap niya si Guo hanggang sa natapos niya ang pagnonotaryo. RNT/JGC