Home METRO Guro, 2 pa timbog sa ‘get-rich scheme’ na bumiktima sa studes

Guro, 2 pa timbog sa ‘get-rich scheme’ na bumiktima sa studes

235
0

MANILA, Philippines – Inaresto ng National Bureau of Investigation-Antique District Office (NBI-ANDO) ang tatlong indibidwal, kabilang ang isang guro, na nagpapatakbo ng isang get-rich scheme firm na bumibiktima sa mga estudyante.

Kinilala ng NBI ang mga suspek na sina Jose Rommel Chavez, Jose Dioric Chavez, at Annaliza Javier, pawang opisyal ng Growth Synergy Development (GSD), isang investment company na nag-o-operate sa San Jose, Antique.

Ayon sa NBI, ineengganyo ng tatlo ang publiko—kabilang ang mga estudyante at residente ng barangay—na sumali sa financial investment scheme na nangakong magbibigay ng mataas na kita sa maikling panahon.

Si Chavez, na manager at guro sa isang kolehiyo, ay sinasamantala umano ang kanyang posisyon upang mahikayat ang kanyang mga estudyante na mag-invest.

Gayunman, matapos ibuhos ng mga biktima ang kanilang pera sa naturang iskema, bigla umanong bumagsak ang negosyo at hindi na ma-access ang kanilang mga account.

Kalaunan, nadiskubre na ang GSD ay walang secondary license mula sa Securities and Exchange Commission (SEC), na kinakailangan para makapagsolicit ng investment mula sa publiko.

Dahil dito, personal na nagtungo sa NBI-ANDO ang mga galit na investors upang magsampa ng kani-kanilang reklamo.

Naitala ng NBI ang 95 complainants laban kay Chavez, na nahaharap ngayon sa mga kasong paglabag sa Cybercrime Prevention Act of 2012, Syndicated Estafa, at Securities Regulation Code.

(Jocelyn Tabangcura-Domenden)

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here