PANGASINAN- Kulungan ang kinasadlakan ng isang 51-anyos na guro sa pampublikong paaralan matapos makuhanan ng 187.02 gramo ng shabu sa isinagawang search warrant operation ng mga awtoridad noong Martes sa Dagupan City.
Kasalukuyan nakakulong sa lock-up cell ng Dagupan City Police ang suspek na taga-Barangay Pantal, ng nasabing lungsod.
Nakuha sa suspek ang 159 pakete na naglalaman ng shabu at pinatuyong dahon ng marijuana na may bigat na 2.90 gramo na nagkakahalaga ng P348 at mga drug paraphernalia.
Pinuri naman ni Police Regional Office-1 chief Police Gen. Lou Evangelista ang mga operating units sa matagumpay na operasyon.
“Today’s operation highlights the dedication of our officers in working tirelessly to remove illegal drugs from our communities. Ito ay mahalagang hakbang upang masiguro ang katahimikan at kaayusan sa pamayanan,” ani Evangelista. Mary Anne Sapico